Wednesday, December 19, 2012

Rubia Servios

Released: December 25, 1978

Plot Description: Sa umpisa ng pelikula, makikitang nag-aaral pa lamang si Rubia (Vilma Santos), Norman Ignacio (Mat Ranillo III) at Willie Trizon (Philip Salvador). Masugid na manliligaw ni Rubia si Willie kahit na alam na nito na may nobyo na siya’t pakakasal na sila sa pagkatapos ng taon. Nang malaman ni Willie na pakakasal na si Rubia ay naging desperado ito’t plinano na kidnapin si Rubia. Isang araw habang naghihintay ito ng taxi sa kalye ay hinablot siya nga pat na lalaki na tauhan ni Willie. Dinalo siya ni Willie sa isang cottage sa Cavite. Nagtangka si Rubia na tumakas at tumakbo sa labas. Duon siya ginahasa ni Willie sa tabing dagat. Matapos gahasain ay nagtangkang magpakalunod si Rubia ngunit pinigil siya ni Willie at binalik sa cottage. Pinag-isipan ni Rubia kung paano niya mapipilit si Willie na pawalan siya. Tinanong niya si Willie kung anong gusto nitong mangyari. Sinabi nitong gusto niyang pakasalan siya. Pumayag si Rubia na magpakasal ngunit kailangan nitong ipaalam sa kanyang mga magulang ang nangyari sa kanya. Natagpuan naman ng pamilya ni Rubia siya sa ospital at duon nito nagpasya na maghabla. Matapos ang hearing sa korte sa kabila ng pagmamakaawa ng pamilya ni Willie ay nasentensiyahan siya ng anim na taon sa bilanguan at magbayad ng 70,000 pesos. Samantala nanatiling nakakulong sa kuwarto si Rubia matapos ang kaso. Pinilit ni Norman na kausapin ang katipan at dito nalaman niya na ang dahilan ng pagkukulong sa kuwarto ni Rubia’y buntis ito. Pinasya ni Norman na bigyan ng pangalan ang pinabuntis ni Rubia at nagpakasal ang dalawa.

Nanatiling tahimik ang buhay ng dalawa’t nagkaroon pa sila ng isa pang anak. Nang 3 years old na ang batang naging anak niya kay Willie’y nag-umpisang mangulo na naman ito. Si Willie’y nakalabas ng kulungan pagkatapos ng tatlong taon lamang. Nung una’y pinagkaila ni Rubia sa asawa ang mga tawag ni Willie. Ngunit napuna na rin ito ni Norman nang mapuna niyang madalas ang asawa na umuuwi ng maaga sa bahay at nag-umpisang uminom ng valium at naging magugulatin ito. Pinagtapat na rin ni Rubia sa asawa ang panggugulo ni Willie at pumayag ito na payagan si Rubia na makipagkita kay Willie. Nang malaman ni Rubia kung saan sila magkikita’y si Norman ang pumunta sa usapan. Ang resulta’y nabugbog ito ng mga tauhan ni Willie. Dahil rito’y naging maliwanag na hindi sila titigilan ni Willie lalo pa’t minsa’y takutin si Rubia nang wala si Norman sa bahay at pumunta si Willie’t pinatay ang aso nila. Wala naman magawa ang mga polis dahil wala silang hard evidence na si Willie nga’y nanggugulo sa buhay nila. Pinasya ni Norman at Rubia na umalis na nang bansa at bumalik sa Canada kung saan sila ilang taon ring nag-aral bago naging doctor. Pinasya rin nila na ibigay sa kanyang mga magulang ang dalawang bata para sa kanilang safety.

Sa kasamaang palad, kinidnap ni Willie ang anak nila ni Rubia na si Vivian. Nagpunta sila sa mga pulis ngunit wala pa ring magawa ang mga ito dahil wala silang ebidensiya. Kinontak ni Willie si Vivian at gusto nitong makipagkita siya rito. Pumayag si Norman ngunit sumonod rin ito sa usapan. Kasama ng kanyang mga alagad iniwanan ni Willie ang magasawa at binantaan na sa susunod magsisisi sila sa kanilang ginawa dahil nga ang usapan ay si Rubia lamang ang gusto niyang makita. Tinakot pa ni Willie si Rubia’t kumuha ito ng bankay na bata at isinuot ang damit ng anak ni Rubia. Nalathala ito sa mga diyaryo at pinuntahan ni Rubia ang bankay laking pasasalamat nito’t hindi ang anak ang bangkay. Dahil rito’y nagpasya na si Rubia na kitain si Willie na hindi alam ni Norman. Kinita nga ni Rubia si Willie ngunit nasundan rin pala si Rubia ni Norman. Sa tulong ng mga alagad ni Willie ay itinali ng mga ito sa puno si Norman at muling ginahasa nito si Rubia sa harap ni Norman. Nagsisigaw ito ngunit walang siyang nagawa. Kahit ayaw ni Rubia ay napapayag rin siya dahil papatayin ni Willie ang kanyang asawa. Pagkatapos nito’y binugbog ng mga tauhan ni Willie si Norman at sinama si Rubia papunta sa kanilang anak. Sa dagat papunta sa isla kung saan naruon si Vivian ay kinausap ni Willie ang dino-dios niyang si Rubia. Pinangako nito na matututunan rin niyang mahalin siya. Hindi napansin ni Willie na nakahawak si Rubia sa sagwan ng bangka at ilang ulit nitong pinalo sa ulo ang nabiglang si Willie habang sinasabi ang salitang “hayup!” Hinanap nito ang baril at pinagbabaril rin niya ang nahulog sa dagat na si Willie. Narating ni Rubia ang isla at duon nito nakita ang kanyang anak na buhay na buhay at tinatawag ang kanyang pangalan. The End. - RV

The Reviews: Mula sa screenplay ni Mario O”hara, ang Rubia Servios ay may mabilis na paglalahad ng buhay ni Rubia at ang mga kahayupang dumating sa kanya sa palad ng isang anak ng makapangyarihan pamilya. Halatang binusisi ni Lino Brockha ang pelikula’t binigyang pansin ang mga eksenang may pagkabayolente. Dalawang beses na ginahasa ni Philip si Vilma at sa bawat eksena’y makikita ang kahalayan at pagnanasa sa mga mata ni Philip at makikita ang sakit na dulot nito sa katauhan ni Vilma. Maraming eksena kung saan inalagaan ni Lino ang pagarte ni Vilma. Hindi lamang sa rape scenes kungdi sa mga tahimik na eksena. Una na nang umagang gumising siya pagkatapos ng unang rape scene. Makikita sa mukha ni Vilma ang pagkalito at ilang sandali pa’y ang pagtanggap ng nangyari sa kanya ng gabing una siyang ginaahasa sa tabing dagat. Pangalawa, nang pumayag si Philip na pakawalan si Rubia at mapunta ito sa ospital. Pagkabukas nang kanyang mata at makita si Norman, makikita sa mga mata niya ang hirap na dinanas. Sa court scene kung saan sinasabi niya na “gusto ko siyang patayin” ng paulit-ulit. Sa bandang huli kung saan nalaman niya na hindi ang anak niya ang putol putol na batang bangkay makikita sa mata niya’t mukha ang biglang pagkatuwa’t hindi ito ang kanyang anak. At sa bandang huli pa rin kung saan ginahasa siya muli sa harap ng kanyang asawa. Makikita ang pagsuko niya’t pagkatalo. Makikita sa kanyang mukha ang pagod at hirap hanggang sa boat scene kung saan pinalad siyang makuha ang sagwan at nagkaroon ng pagkakataong paluin si Willie ng pa-ulit-ulit at hindi pa ito nasiyahan at binaril pa niya ang nangahasa sa kanya. Sa eksenang ito makikita ang kaibahan ng kakayahan sa pagarte ni Vilma. Sa eksenang ito kung saan sinasabi niya ang salitang “hayup!” sabay palo sa nabiglang si Willie. Buong katawan niya ang umaarte. Ito ay hango sa tunay na buhay. Hindi katulad ng arte ni Nora Aunor sa Ina Ka Ng Anak Mo kung saan nahuli niyang nagsiping ang kanyang asawa sa kanyang ina. Nakapokos ang kamera sa mukha niya at nag-emote ng parehong salita: “Hayup!” ang paulit-ulit niyang salita. Aba kung sa tunay na buhay iyan eh nagkasabunutan na at nagwala na ang mag-ina!

Para sa akin naging matagumpay si Vilma sa kanyang pagganap bilang si Rubia Servios. Isang tour de force. Nuong una ko itong napanood sa Avenida ay namangha ako sa kanyang galing. Ngayon pagkatapos ng dalawanput siyam na taon pinanood ko muli ito’y hindi nababawasan ang aking pagkamangha sa galing niya. Paano mo ba isasalarawan ang babae na nagahasa? Paano mo ba isasalarawan ang babaeng nakidnapan ng anak at muling nagahasa sa harap pa mismo ng asawa mo? Isang mahirap na papel. At naisalarawan ito ni Vilma nang makatotohanan. Walang mga pagpopokos ng kamera para mag-emote. Makatotohanang pagganap. Special mention sina Mat Ranillo III at Philip Salvador. Dapat ay napahalagahan sila sa pamamagitan ng nomination subalit naging maramot ang organisasyon ng pestibal at isang acting awards lamang ang binigay nila. Panalo sana si Philip Salvador ng best actor award rito dahil damang dama mo ang kanyang karakter. Makikita rin kung gaano kaganda ng kanyang katawan. Meron eksena siya na nakaswimming trunks lang at talagang alaga pa niya ang kanyang katawan nuon. Si Mat naman ay sana nanominate bilang best supporting actor. Mahusay rin siya lalo na sa eksena kung saan nakatali siya sa puno at wala siyang nagawa ng pagsamantalahan muli si Rubia sa harapan niya ni Philip.

Technically, nang panoorin ko itong pelikulang ito ay maganda ang resulta ngunit nang panoorin ko muli ng ilang beses ngayon ay makikita ang ilang flaws. Una na ang cinematography ni Conrado Baltazar. Maraming eksena ay hindi nasa tamang angulo. Merong eksena na nagsasalita si Ate Vi pero ang nakikita lamang ay ang kanyang nuo. Ang musical score ni Freddie Aguilar ay parang hindi bagay sa tema ng pelikula. Pati ang theme song na “Pagsubok” parang pang-politika at very “folksy” ang dating. Merong isang butas ang screenplay ni Mario O Harra. Nang umalis si Philip para iwanan si Vivian, ang anak niyang kinidnap, nang umalis ito’y sumakay ito ng kotse, pagkatapos nang dalhin niya si Rubia sa banding huli’y sumakay naman sila ng boat. Medyo nakaligtaan nila ang isang detalye na ito. Mabilis ang pacing na pelikula at maraming mga eksena talaga si Vilma na makikita mo ang pagaalaga ni Lino. Sayang nga lamang at hindi ito nakita ng mga hurado ng pestibal at maging ang mga manunuri ng taong iyon. - RV (READ MORE)

"...Perhaps, the most in "your face" reality-based role was Rubia Servios. Another transformation. An acting vehicle that even Madonna can't accomplished, yes even with Evita! I considered Rubia as her most daring and demanding role surpassing Chato?s BQ. Not only the role required her to be physical but also she has to show the emotion of being battered and abused, inside and outside. The pain in her face was visible while crawling in the beach. The rage in her face showed when she smacked the rapist, Philip Salvador using the boat paddle near the end. I can still feel it, the revenge. I remember I swore a number of times while watching her lift that paddle in the air and aimed at her rapist (Sige pa! Pataying mo ang hayup na iyan! I told to myself.) But the most poignant connection about this film and her role now as politician was her awareness of the abuse Filipina women has become accustomed to. There are a lot of Rubias who doesn?t have the courage to face their assailant. There are so many of them who will have no chance to avenge their fate. Most people will even think that they have provoked the rapist to rape them and they are partly to blame. Vilma as Rubia has made her emphatized the victims and be tough on crime like this. Rape, Crime & Justice, three issues that Vilma have to faced every single day as a mayor..." - RV (READ MORE)

"...Ang istorya ng Rubia Servios ay batay sa mga legal story ni Aida Sevilla Mendoza, at ito’y pumapaksa sa babaeng ginahasa ng kanyang masugid na manliligaw. Si Rubia (Vilma Santos) ay isang medical student na may kasintahang kaeskuweala, si Norman (Mat Ranillo III). Balak nilang magpakasal pagkatapos ng kanilang pag-aaral. Karibal ni Norman si Willie (Philip Salvador) na ayaw tumanggap ng kabiguan sa pag-ibig. Anak siya ng mayaman at maipluwensiyang pamilya sa Kabite. Kaya nang tapatin siya ng dalaga na wala siyang maaasahan, kinidnap niya si Rubia sa isang bahay-bakasyunan at ginahasa ito. Nang magkaroon ng pagkakataon ang babae, tumakas ito at isinuplong si Willie. Idinemanda ang lalaki at nahatulang mabilanggo ng anim na taon. Paglabas ng lalaki sa bilangguan, ginulo na naman niya ang buhay ng babae na ngayo’y asawa na ni Norman at may dalawang anak (ang una’y anak niya kay Willie). Dahil sa pananakot ng hui, nakipagtagpo si Rubia, at muli na namang ginahasa sa sementeryo sa harapan pa naman ng asawa. Kinidnap ni Willie ang anak niya para gawing pain sa pagtatagpo nila ni Rubia at para sumama na tio sa kanya. Ngunit nagkakaroon na naman ng pagkakaton ang babae na lumaban at sa bangka, hinampas niya si Willie ng sagwan, at pagkatapos ay binaril ang lalaki hanggang sa ito’y tuluyan nang malunod. Simplistiko ang materyal at lalong simplistiko ang pamamaraan ni O’Hara sa karakterisasyon. Nagmumukha tanga ang mga tauhan (si Rubia at si Norman) samantalang medical students at naturingang doktor pa naman sila. Tinatakot na sila’y hindi pa sila humingi ng proteksiyon sa pulis. Ginahasa na si Rubia ay nakipagtagpo pa sa sementeryong madilim nang nag-iisa at nagpaganda pa mandin siya nang husto. At ang asawa niya’y wala ring utak. Biro mong sinundan ang asawa sa sementeryo nang nag-iisa! Dapat nga palang magkaganito sila kung napakakitid ng kanilang utak. Sa direksiyon ni Brocka, lumitaw ang galing ni Vilma Santos, at nakontrol ang labis na pagpapagalaw ng kanyang labi. Mahusay din ang eksena ng gahasa. Si Philip Salvador naman ay tulad sa isang masunuring estudyante na sinusunod lahat ang direksiyon ng guro. Kitang-kita mo sa kanyang pagganap ang bawat tagubiling pinaghihirapan niyang masunod: kilos ng mata, buntong-hininga, galaw ng daliri, kislot ng kilay. Limitado ang kanyang kakayahan at makikia ito sa kanyang mukha (na limitado rin). Walang-wala rtio si Mat Ranillo III, na parang pinabayaan para lalong lumitaw ang papel at pag-arte ni Salvador. Samantala, ang kamera ni Conrado Salvador ay hindi gaanong nakalikha ng tension at suspense, bukod sa napakaliwanang ng disenyo ng produksiyon ang pagbabago ng mga tauhan sa loob ng pitong taon batay sa estilo ng damit at buhok..." - Justino M. Dormiendo, Sagisag, February 1979 (READ MORE)

"...Undoubtedly, the two best entries in the 1978 Metro Manila Film Festival are Atsay and Rubia Servios...Rubia Servios, on the other hand, does not dilute the message. Willy (Phillip Salvador), the son of a powerful and wealthy figure, is portrayed as totally evil, devoid of any redeeming quality. To screenwriter Mario O’Hara and director Lino Brocka, the province is the same as the city. Rubia Servios (Vilma Santos) is raped both in the city and in the country. Rubia kills Willy in the country. Violence unites all places. It is the “unity” of conception, scripting, design, and direction, in fact, that Rubia Servios is superior to Atsay. Lino Brocka does not waste shots in his attempt to create a Filipino classical tragedy. He subordinates everything to the building up of one emotion in the viewer, that of hatred of Willy. So despicable does Willy become at the end that, when he is murdered by Rubia, no viewer can say that Rubia is at fault. And yet, morally speaking, no one is allowed to take the law into his own hands. The law, in fact, put Willy in prison for the first rape. There is no reason to think that the law will not put Willy to death for the second rape. By conditioning the reader to condone Rubia’s revenge, Brocka succeeds in questioning one of our deeply rooted moral beliefs. The unity that characterizes Rubia Servios contrasts sharply with the tendency of Eddie Garcia in Atsay to exploit Vitug’s versatility even at the expense of tightness. There are shots in Atsay, for example, which could easily be cut without hurting the film’s integrity. Even the train sequence, one of the best sequences in Atsay, is far too long. Rubia Servios is Lino Brocka’s film; Atsay is Romeo Vitug’s. Nora does an excellent acting job; but so does Vilma Santos, and Rubia is a much more demanding and difficult role. Edgardo M. Reyes is an established literary figure, but Mario O’Hara is much better screenwriter. Overall, Atsay may be much more impressive than Rubia Servios. In terms of challenging our moral and legal convictions, however, Rubia Servios is much more significant..." - Isagani Cruz, TV Times, 1979 (READ MORE)

"...Mula sa isang real life legal story ang Rubia Servios, namumuhunan ito sa ideya na ang masasaksihan ng mga manonood sa iskrin ay hindi likhang-isip lamang kundi talagang nangyari sa tunay na buhay. Hinimok ni Lino Brocka sa kanyang pelikula na pagmasdan ang babae sa konteksto ng ating lipunan. Bakit ganito ang nangyayari sa kababaihan? Dahil tinatanggap nating maging ganoon ang kanilang kundisyon sa lipunan. Kung pagkakasala ang pabayaang maghari ang mayayamang may kapangyarihan, nararapat lamang na ituwid ang pagkakasalang ito. Sa mga nakakaalam ng mga pelikula ni Brocka, pamilyar ang paggamit sa estratehiya ng melodrama. Sa ganitong paraan, ang focus ay ang paghihirap na pinagdaraanan ng pangunahing tauhang babae at ito ang nakababagbag sa damdamin ng manonood. Ngunit sa pagpuntirya ng emosyon, hindi matamaan ang paglinaw sa tunay na isyu. Si Vilma Santos bilang Rubia Servios ay hindi lamang mahusay na gumanap sa buhay ni Rubia kundi naging isa ring makapangyarihang talinghaga na nakapagpalusog sa teksto ng pelikula. Sa kabuuan, inaangkin ng pelikulang Rubia Servios ang kapangyarihan nitong lumikha ng katotohanan mula sa masalimuot na materyal ng reyalidad. Sa ganitong proseso, nailalantad ang isang piraso ng reyalidad upang mapanood, masuri at mabigyang-kahulugan. Sa kabilang banda, hindi rin makakatakas ang pelikula sa mga diskursong kumakanlong sa mismong puinupuna at tinutuligsa nito..." - Jojo Devera, Sari-saring Sineng Pinoy (READ MORE)

“The second rape scene in “Rubia Servios” which stars Vilma Santos, is reminiscent of the rape scene in “Santiago”, shown in 1970. Instead of Caridad Sanchez as the wife who is assaulted in full view of husband Mario O’Hara, it has Vilma Santos and Mat Ranillo III. This coincidence is not surprising since Brocka also directed Santiago, and O’Hara, who has since graduated from supporting roles, is the scriptwriter for “Rubia Servios”. Vilma does not expose much skin and Philip Salvador (as the attacker) has his pants on, but the scene could well be one of the most realistic rape scenes on screen in a long, long time. The anguish in Vilma’s face and the lust in philip’s eyes blended so well the effect was dramatic rather than sensual. The real climax of the film, however, is the killing of Philip by Vilma with a paddle aboard a motorboat at sea. Lino Brocka, who directs Vilma for the first time, succeeded in muffling her sobs even in the most hysterical moments. To our mind, “Rubia Servios” is geared towards mature audiences. It is engrossing despite the lack of fancy camera shots and an almost chronological presentation.” - Ricky Lo (READ MORE)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Maria Rosa Vilma Tuazon Santos-Recto (born Maria Rosa Vilma Tuazon Santos November 3, 1953 in Bamban, Tarlac), commonly known as Vilma Santos-Recto or Ate Vi is a Filipino actress and box office queen for almost four decades. One of the original Philippine movie queens, she rose up to become the versatile actress that has been given the fitting title of “Star for All Seasons” because of her capacity to adapt to the changing mores and values of the Filipino woman, giving a face to their plight and struggles, albeit in success both critically and box-office wise in some of Philippine cinema’s classics such as Trudis Liit (1963), Lipad, Darna, Lipad (1973), Burlesk Queen (1977), Relasyon (1982), Sister Stella L. (1984), Alyas Baby Tsina (1984), Pahiram ng Isang Umaga (1989), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Anak (2000) and Dekada ’70 (2002). She is currently the governor of Batangas, Philippines (2012)(Wikipedia).

For More Informations, Visit: Vilma Santos-Recto's Official Web-site


FOR SFAS POLITICS PAGE CLICK HERE

FAIR USE NOTICE: This site contains copyrighted materials the use of which has not always been specifically authorized by the copyright owner. We are making such material available in our efforts to preserve the film legacy of actress, Ms. Vilma Santos-Recto and informations available to future generations. We believe this is NOT an infringement of any such copyrighted materials as in accordance to the the fair dealing clauses of both the Canadian and U.S. Copyright legislations, both of which allows users to engage in certain activities relating to research, private study, criticism, review, or news reporting. We are making an exerted effort to mention the source of the material, along with the name of the author, performer, maker, or broadcaster for the dealing to be fair, again in accordance with the allowable clauses. For more info: Wikipedia: Fair Dealing